top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Retokadang kolektor ng mga tara at protektor ng mga smuggled items sa Customs, tuloy ang piyesta kah

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2020
  • 2 min read

ni Chit Luna - @Yari Ka! | August 29, 2020


Kilalang-kilala ang isang collector sa Bureau of Custom (BOC) dahil siya ang nagsisilbing protektor ng malalaking smuggler sa bansa.


Kahit pa nasampahan na ito sa kasong robbery extortion sa Office of the Ombudsman, patuloy pa rin ang pamamayagpag nito.


Ayon sa ating source, nagbayad ito ng halagang P15-M para lamang maabsuwelto sa naturang kaso. At ngayon, lumabas na ang sungay ng kolektor.


Dahil super bagyo siya sa mga opisyal ng BOC, inobliga niya ang mga principal appraiser, division head at examiner na maglatag ng tara sa kanya.


Dahil sa takot na mapag-initan, naoobligang magbigay ang kanyang mga tinotokahan.


Sa kasalukuyan ay nag-a-apply ng promotion ang kapalmuks na collector.


Pero kahit alam ng mga opisyal ng BOC ang kalakaran ng ating bida, dedma lang sila dahil nakikinabang din ang mga buwitre.


Dagdag pa ng ating source, “Binubusog niya ang mga boss kaya kunwari ay wala silang nakikita.”


Lumang tugtugin sa larangan ng sabwatan. Pabor pa ang mga boss na i-promote siya para madagdgan ang koleksiyon ng mga boss o ‘ika nga, kung mataas ang posisyon, malaki ang koleksiyon! Salamat sa mga big players ng smuggling!


Basta kumpleto ang padulas, madaling magpalabas ng mga kargamento kahit “red flag” pa ito kaya taas-kamay talaga ang deputy commissioner. Ibang klase!


Samantala, nagpaimbestiga na si DepCom pero ‘yun nga lang, wala ring saysay dahil nakabibighani talaga ang ‘retokadang’ ganda ng kolektor.


Kaya naman, walang kaproble-problema ang mga paparating na asukal, bigas at imported na sigarilyo. Maabilidad ang kolektor pati ang magiting na congressman, ito ang kanyang kinokontrata para palusutin ang mga imported items.


Alam ‘yan ni congressman, lalo na kung agricultural products ang pag-uusapan.


Sa kabila ng pandemya, piyesta ngayon sa BOC. Malayang-malaya ang mga smuggler sa pagpaparating na mga kalakal. Nangunguna rito ang assessment group ng mga undervalued shipments na regular na pinalulusot.


Mahina ang milyones na kita weekly ng mga ito. At kapag maraming parating, tumataba ang bulsa ng mga buwaya. Pinagpalang mga walang hiya, tsk!


Kung noon na-shock tayo dahil nalulusutan ang BOC ng bilyun-bilyong halaga ng shabu gayung sobrang higpit nito. Ngayon, okay na ang lahat dahil nabusalan na ng pera ang mga pinagdadaan ng mga kargamento. Ang saya-saya, palakpakan!


Nakupo, mahal kong Pilipinas! Ewan ko na lang kung hindi riyan magising ang ating butihing DepCom at commissioner.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page