top of page
Search
BULGAR

Resupply mission ng 'Pinas sa WPS, tagumpay sa ilalim ng bagong kasunduan

by Angela Fernando @News | July 27, 2024


News
Photo: Pna.gov.ph

Ipinagpatuloy ng 'Pinas ang resupply mission para sa maliit nitong navy contingent sa Ayungin Shoal kamakailan at naging matagumpay ito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), isang linggo matapos pumirma ng pansamantalang kasunduan kasama ang China.


"It was the first RORE mission conducted under the ambit of the understanding reached between the Philippines and the People’s Republic of China on principles and approaches for the conduct of RORE missions in Ayungin Shoal for the purpose of avoiding misunderstandings and miscalculations, without prejudice to national positions," saad ng DFA.


Ang RORE ay acronym ng 'Pinas para sa rotation and reprovisioning mission sa shoal.


Samantala, ginamit sa nasabing RORE mission ang barkong MV Lapu-Lapu, kasama ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Cape Engaño.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page