top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Reporma sa trapiko, para sa ekonomiya

BULGAR
Jan 21, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 21, 2023


Aprubado na ng technical working group ng Metro Manila Council (MMC) ang final draft ng resolusyon para sa single-ticketing system sa Metro Manila.


Sa ilalim ng single-ticketing system, iisa na lang ang magiging presyo ng penalty sa traffic violation at maaari na ring bayaran ang penalty sa pamamagitan ng digital wallet o payment center at hindi na kukumpiskahin ang lisensya ng motorista.


Ang susunod na hakbang ay ang pagtalakay at pag-apruba nito ng mga Metro Manila mayors. Kung saan pagbobotohan na ng mga alkalde ang pinal na draft ng Metro Manila Traffic Code.


Kapag naaprubahan na ng mga mayor ang Metro Manila Traffic Code, kailangang amyendahan ng mga LGU ang kani-kanilang mga ordinansa para sumang-ayon ito nasabing batas.


Ayon kay Zamora, target na maipatupad ang single ticketing system sa National Capital Region sa katapusan ng first quarter ng 2023.


Umaasa tayo na magiging mas maayos ang trapiko sa ilalim ng single-ticketing system. Hindi na nakakalito ang mga batas-trapiko, mas madali ang pagbabayad ng multa at higit sa lahat, iwas-kotong na rin.


Lagi nating paalala sa lahat, maging disiplinado at responsable sa kalsada para walang problema, iwas-aksidente at trapik.


Ang magagandang pagbabago sa trapiko ay para rin sa pag-usad ng ating ekonomiya, kaya plis lang huwag pasaway.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page