Reno liver spread, balik-merkado na
- BULGAR

- Oct 16, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 16, 2020

Babalik na sa merkado ang sikat na liver spread na Reno matapos mabigyan ng certificate of product registration ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong Biyernes.
Ayon kay FDA Head Eric Domingo, sa loob ng dalawang linggo ay nakumpleto na at naipasa na ng manufacturer ng Reno ang mga kulang nitong dokumento.
Matatandaang noong Setyembre ay ipinagbawal sa publiko ang pagbili ng liver spread matapos makita na hindi pa ito rehistrado sa FDA.
Sa ilalim ng Regulatory Law, kinakailangan ng mga food processors ang 2 klase ng authorization upang masiguro ang kalidad ng kanilang produkto pati na rin ang regulatory standard ng kumpanya.
Sa Reno Foods Incorporated, tanging ang License to Operate (LTO) permit as food repacker lamang ang mayroon sila noon.








Comments