top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Reklamong kriminal inihain ng asawa ni VP Sara vs AMLC, BSP at ilang mambabatas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27
  • 1 min read

ni BRT @News | April 27, 2026



Atty. Manases Carpio - News 5 SS


Pormal nang naghain ng reklamong kriminal sa Quezon City Prosecutor’s Office si Atty. Manases "Mans" Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, laban kina Congressmen Gerville Luistro, Percival Cendaña, Chel Diokno at Leila de Lima at mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dahil sa paglabag umano sa Anti-Money Laundering Act, Bank Secrecy Law at Data Privacy Act.





Bank records, inilabas... Asawa ni VP Sara, kaksuhab ang BSP, AMLC, at mga cong.



Magsasampa ng mga kasong kriminal ang asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio laban sa ilang opisyal ng pamahalaan dahil sa umano’y paglabag sa bank secrecy at data privacy.


Ayon sa ulat, nakatakdang ihain ni Carpio ang reklamo laban sa ilang opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang miyembro ng Kamara.


Ito ay kaugnay ng umano’y pagbubunyag sa mga bank records nila, na isinapubliko sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Justice hinggil sa kita at mga transaksyon ng mag-asawa.


Ikinatuwiran ni Carpio na ang paglalabas ng naturang impormasyon ay maaaring lumabag sa mga batas tulad ng Bank Secrecy Law at Data Privacy Act.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page