Registration ng National ID, 'di kinaya sa dami
- BULGAR
- May 3, 2021
- 2 min read
ni Mary Gutierrez Almirañez | May 3, 2021

Inaayos na ang website ng Philippine Statistic Authority (PSA) dahil sa nangyaring ‘technical issue’ sa pilot launch ng online registration para sa National ID, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA).
Paliwanag pa ni NEDA Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, tinatayang 2,000 katao lamang ang nakapagparehistro nu’ng ika-30 ng Abril sapagkat hindi nakayanan ng website na i-handle ang 46,000 na users sa nakalipas na unang isang minuto.
Nilinaw din niyang 16,000 indibidwal lamang ang sinubukan nilang isalang sa pre-registration sa scale na 35,000 per minute na tanging kakayahan ng system.
Aniya, “What we do right now is to review our system so we can increase the load. The problem is really the demand. It’s like you opened a new theme park or restaurant, although you are ready for the peak during holidays or weekends, sometimes on the first day, everyone wants to participate. We thanked them but we are very sorry also for what happened.”
Dagdag pa niya, “We assure you that we are fixing this. We have experts all over the world and we will relaunch it as soon as we can.”
Matatandaang isinagawa ng PSA nu’ng Oktubre ang bahay-bahay na pangongolekta ng impormasyon upang malaman ang demographic profile ng mga mamamayan, kung saan tinatayang 33.3 million ang naging respondent sa Step 1.
Sa ngayon, halos 6.4 million pa lamang nito ang nakauusad sa ikalawang procedure o ang on-site biometrics data collection.
Sa kabila naman ng mga lumalabas na ‘error messages upon registration’ sa website ng PSA ay tiniyak ni Chua na gumagana pa rin ang system, kung saan kailangan lamang ng pasensiya at tiyaga sa paulit-ulit na pag-submit ng data.
Inaasahan ding magkakaroon ng relaunching sa online registration ng National ID kapag naayos na ang website ng PSA sa mga susunod na araw.








Comments