- BULGAR
- Jan 5, 2024
ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 5, 2024

Iniulat ngayong Biyernes ng statistics bureau ng estado ang pagbaba ng inflation sa 3.9 porsyento noong Disyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, mas mabagal ito kaysa sa 4.1 porsyento noong Nobyembre, at nagdala ito ng average inflation para sa 2023 sa 6 porsyento.
Nasa loob ng forecast na 3.6 hanggang 4.4 porsyento ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang inflation rate noong Disyembre.
Sa isang survey ng Pulse Asia noong Setyembre, ipinakita na ang inflation ang pinakamahalagang alalahanin ng mga Pilipino.
Pinanatili ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang 6.5 porsyentong benchmark target reverse repurchase rate (RRP) sa kanilang pagpupulong noong Disyembre.
Sinabi rin ni BSP Governor Eli Remolona Jr. na mababa ang posibilidad ng pagbawas ng interest rates habang nananatiling lampas ang inflation sa itinakdang target range.





