Red Tide Alert
ni Lolet Abania | January 17, 2023

Nasa walong coastal areas sa bansa ang nagpositibo sa test sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa isang shellfish bulletin na may petsang January 16, 2023, sinabi ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at Acetes, kilala sa tawag na alamang, na nakolekta sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas na kainin:
• coastal waters ng Milagros, Masbate
• coastal waters ng Panay, Capiz
• coastal waters ng President Roxas, Capiz
• coastal waters ng Pilar, Capiz
• coastal waters ng Dauis, Bohol
• coastal waters ng Tagbilaran City, Bohol
• Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
• Lianga Bay sa Surigao del Sur
Gayunman, ayon sa ahensiya, maliban sa shellfish, ang ibang seafood o pagkaing-dagat na nakuha mula sa mga naturang lugar ay ligtas na kainin.
“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly; and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” pahayag ng BFAR.
Binanggit naman ng BFAR na ang Irong-irong at San Pedro Bays sa Samar ay ligtas na ngayon mula sa toxic red tide.





Comments