Red Lions, asam ang solo 2nd place, Blazers iinit pa
- BULGAR
- Oct 20, 2023
- 1 min read
ni GA @Sports | October 20, 2023

Mga laro ngayong Biyernes
(Filoil EcoOil Arena)
2 p.m. - CSB Blazers vs EAC Generals
4 p.m. - SBU Red Lions vs SSC Golden Stags
Puntirya ng San Beda Red Lions na masiguro ang solong 2nd place laban sa delikadong San Sebastian College-Recoletos Golden Stags, habang asam na pahabain ng College of Saint Benilde Blazers sa apat na sunod na panalo ang target laban sa katunggaling Emilio Aguinaldo College Generals sa double-header ngayong Biyernes ng hapon sa nalalapit na pagtatapos ng first round elimination ng 99th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.
Naging matagumpay ang matinding pagtakas ng San Beda sa kontra University of Perpetual Help System Dalta Altas sa 62-60 kasunod ng pamamayani ni rookie forward Jomel Puno na pinunuan ang 12pts at 17 rebounds upang madala sa ikalawang sunod na panalo ang koponan. Hahanap ng ika-anim na panalo ang mga bataan ni Yuri Escueta sa tampok na laro ng 4 p.m.
Muling susubukang buhatin ni gunner Miguel Andre Oczon ang kampanya ng CSB Blazers na target ang four-game winning streak upang kumawala sa pagkakatabla kontra EAC Generals sa pambungad na salpukan sa alas-2:00 ng hapon.
Patitibayin ng Mendiola-based squad ang kanilang puwesto sa second place sa 5-2 kartada matapos bumagsak sa ikatlong sunod na pagkabigo ang Lyceum Pirates sa 6-3 marka, kontra sa San Sebastian na planong makaangat sa puwesto sa 3-5 rekord katabla ang Perpetual sa 8th-place.








Comments