top of page

Red Cross, stop sa swab test dahil sa P1 B utang ng Philhealth...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2020
  • 1 min read

Gordon kay P-Du30: 'Di kami mukhang pera, kayo ang may utang!

ni Thea Janica Teh | November 6, 2020



Mariing iginiit ni Sen. Richard Gordon ngayong Biyernes ang paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na mukhang pera ang Philippine Red Cross (PRC).


Nitong Huwebes, sa meeting kasama ang mga Cabinet members, habang tinatalakay ni Health Secretary Francisco Duque III ang COVID-19, sinabi ni Pangulong Duterte na mukhang pera ang PRC matapos ipatigil ang COVID-19 testing dahil sa utang ng pamahalaan na P1.1 bilyon.


Aniya, "Hindi kami mukhang pera. Pero sabi ko lang, dahan-dahan naman sa pananalita because nakakatulong naman kami. Hindi naman kami umutang, sila ang umutang, sila nagpa-test, ginawa namin. 'Di ba dapat bayaran ninyo?... I'm giving him the benefit of the doubt out of respect to the president."


Ipinatigil nitong Oktubre ng PRC ang COVID-19 testing sa mga paparating na Overseas Filipino Workers (OFW) dahil hindi pa umano nababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang utang na umabot sa P1 bilyon.


Sa ngayon ay ibinalik na ng PRC ang serbisyo sa pagkuha ng COVID-19 testing matapos makapag-partial payment ang Philhealth.


Dagdag pa ni Gordon, nasa P20,000 ang swab test para sa COVID-19 sa Philippine airports. Kaya naman malaking tulong sa mga OFWs na P3,500 lamang ang swab kit kung sila ay miyembro ng PhilHealth at P4,000 naman para sa mga private individuals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page