top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Random drug test at regular lifestyle check sa lahat ng pulis

  • BULGAR
  • Jan 12, 2023
  • 2 min read

@Editorial | Enero 12, 2023


Sa nagpapatuloy na kampanya kontra ilegal na droga, kasunod ng pagpapa-resign sa lahat ng general at colonel, na sinabayan ng drug test, kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na daraan sa lifestyle check ang mga ito.


Ito ay bahagi ng pagsisikap na matanggal sa kanilang hanay ang mga sangkot sa droga.

Ang lifestyle check ay kabilang sa mga paraan na susuriin ng limang miyembrong panel na responsable sa pagrepaso sa mga rekord ng mga opisyal ng PNP, kung kaninong courtesy resignation ang tatanggapin at kung sino ang tatanggihan.


Naunang sinabi na magiging bahagi ng proseso ng screening ang lifestyle check. Bagama't ang aktuwal na mga alituntunin ay hindi pa naipapasa, ang panel ay inaasahang "i-screen, to evaluate, to validate” ang mga rekord ng mga opisyal.


Ang lifestyle check, ayon sa Office of the Ombudsman, na dating nagsasagawa ng mga ito ay “investigation strategy" na binuo ng mga anti-corruption agencies para matukoy ang pagkakaroon ng "ill-gotten and unexplained wealth” ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.


Umaasa tayo na bukod sa random drug testing, gawin din sanang regular at istrikto ang pagsilip sa yaman ng mga pulis. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang korupsiyon o pagkakasangkot sa mga ilegal na gawain.


Kasabay nito, dapat maging mas wais dahil posibleng may maisip silang strategy kung paano mas maitatago ang mga yaman na galing sa ilegal.


Ang panawagan natin sa mga pasaway na pulis, magbago na kayo at mahiya dahil naniniwala tayong mas marami pa ring pulis ang matitino pero nadadamay sa kalokohan ng iilan.


Mas marami pa ring alagad ng batas ang tapat sa tungkulin at handang magsakripisyo.


Kaya sa mga walang konsensya na binabahiran ang dangal ng kapulisan, magsilayas na lang kayo. Hindi na nga kayo nakatutulong, dagdag pa kayo sa problema ng bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page