top of page
Jasmine Curtis-Smith - IG.jpg

Rally ng INC, wa' epek — Remulla... Marcoleta, tutuluyan sa plunder

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | Julye 2, 2026



Boying Remulla at Rodante Marcoleta - FB

Photo: Boying Remulla at Rodante Marcoleta - FB



Iginiit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na tuloy ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta sa kabila ng kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) bilang suporta sa mambabatas.


“Walang tinatawag na selective justice. Karapatan nila ang magpahayag ng kanilang saloobin, ngunit mali ang kanilang batayan. Walang selective justice sa bansang ito pagdating sa Ombudsman,” ani Remulla.


Samantala, hinikayat din niya ang mga field investigator ng Ombudsman na manatiling tapat at matatag sa kanilang tungkulin upang mapanatili ang integridad ng serbisyo publiko.


“Pananagutan natin ito at isinumpa nating gampanan. Dapat nating panatilihin ang tamang pag-iisip at matibay na diwa bilang mga lingkod-bayan,” dagdag pa nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page