Rachelle Ann Go, 5 weeks na-pneumonia

ni Eli San Miguel @News | June 2, 2024

Nagbabalik sa entablado ng "Hamilton" tour sa Singapore si Rachelle Ann Go, matapos ang halos limang linggong pahinga dahil sa pneumonia.
Nagbigay ng update ang singer-theater actress tungkol sa kanyang kalusugan sa pamamagitan ng pag-upload sa Instagram Story ng backstage photo sa isang teatro sa Marina Bay Sands. “Last night, I came back to do the ‘Hamilton’ international tour after being off for almost [five] weeks because of pneumonia,” aniya.
“[I] lost 11 lbs, too. It was tough. Hirap huminga, [but] they gave me so much love so I survived,” dagdag niya. Nagsimulang itanghal ang "Hamilton" sa Singapore noong Abril 19 at magpapatuloy hanggang Hunyo 9.
Nagkaroon din ng pagtatanghal nito sa Pilipinas mula Setyembre 17 hanggang Nobyembre 26 ng nakaraang taon. Si Go ay gumaganap sa papel ni Eliza Hamilton sa sikat na musical. Bumida rin si Go sa ilang produksiyon sa entablado, kabilang ang ika-30 anibersaryo ng "Les Miserables," "The Little Mermaid," "Tarzan," at iba pa.





Comments