PVL, may rookie drafts na, walang hiring ng players
- BULGAR
- Mar 18, 2021
- 1 min read
ni VA - @Sports | March 18, 2021

Para magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang mga koponan sa liga, hindi na papahintulutan ng Premier Volleyball League ang kanilang mga member teams na direktang kumuha ng players simula sa susunod na season.
Magdaraos na sila ng taunang draft katulad ng ginagawa ng ibang mga professional leagues na gaya ng Philippine Basketball Association at Women’s National Basketball League. “2021 will be the last year that will see teams recruit on their own,” pahayag ni PVL president Ricky Palou noong Martes sa Philippine Sportswriters Association forum.
Ang order ng draft naman ay ibabatay sa magiging standings ng bawat koponan sa pagtatapos ng 2021 season.Creamline, Petro Gazz, Perlas, Choco Mucho, Bali Pure, UAC, PLDT, Cignal, Chery Tiggo, Sta. Lucia at F2 Logistics ang mga koponang kalahok sa inaugural season ng liga bilang professional.
Hindi naman puwedeng lumahok sa draft ang Philippine Army dahil sila ay isang guest team.Pahihintulutan naman nila ang trade sa pagitan ng mga teams kung magkakasundo ang mga magpapalitan ng players.“Trading at this point in time depends on the teams,” wika pa ni Palou.
Bukod sa pagkawala ng mga tinatawag na 'direct hires', plano rin ng PVL na magpatupad ng salary cap sa bawat team simula sa susunod na taon.





Comments