top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

“Pusong bato” na opisyal, oks lang sa Malacañang?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2020
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 22, 2020



PARANG SINABI NG MALACAÑANG NA ‘HEARTLESS’ ANG DAPAT NANUNUNGKULAN SA PAMAHALAAN—Dedma ang Malacañang sa kawalang-pusong post ni MMDA spokesperson Celine Pialago na kesyo drama-serye lang ang paghihinagpis ni Reina Mae Nasino sa pagkamatay ng kanyang anak na sanggol, at sa halip ay mistulang ipinagtanggol pa ang MMDA spokesperson nang sabihin ni Presidential spokesman Harry Roque na labas sa trabaho at sariling opinyon lang ‘yun ni Pialago.


Dahil hindi man lang pinagsabihan si Pialago na bad ang ginawa nito ay parang sinabi na rin nilang ang tulad nito na ‘heartless’ ang dapat nanunungkulan sa pamahalaan, buwisit!


◘◘◘


TAGA-RED CROSS, HEARTLESS DIN?—Higit 4,000 OFWs na umuwi sa bansa ang stranded at hindi na nakauwi sa kanilang mga probinsiya dahil itinigil na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pag-swab test sa kanila dahil hindi pa raw nakapagbabayad ang PhilHealth sa utang nito.


Kung ganu’n, heartless din pala ang mga opisyal ng PRC kasi puwede naman nilang ituloy ang pag-swab test at saka na maingil sa PhilHealth para makauwi na sa kanila ang mga OFWs. Pero hindi nila ito ginawa, mga pwe!


◘◘◘


PERANG KINURAKOT SA PHILHEALTH ANG DAPAT IPAMBAYAD SA RED CROSS—Sabi ni P-Duterte, maghahanap siya ng pera para mabayaran ang utang ng PhilHealth sa PRC upang maipagpatuloy na ang pag-swab test sa mga OFWs upang ang mga negatibo sa COVID-19 ay mapayagan nang makauwi sa kanila.


Kung uutang na naman si P-Duterte para mabayaran ang utang ng PhilHealth, aba, taumbayan ang talo riyan!


Ang dapat gawin ni P-Duterte, gumamit ng kamay na bakal para mabawi sa mga nakurakot sa PhilHealth ang pera ng bayan at ito ang ipambayad, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page