top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Push pa more sa 13th month pay ng mga contractual at JO workers

BULGAR
Dec 3, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 3, 2022


UNFAIR SA MGA CONTRACTUAL AT JO WORKERS NA WALA SILANG 13TH MONTH PAY—Nagsulong ng panukala sa Senado si Sen. Mark Villar na bigyan ng 13th month pay ang mga contractual at JO (job order) sa gobyerno. Sa sistema ngayon ay tanging casual, regular at permanent gov’t. workers lang ang nakatatanggap ng ganitong biyaya.


Sana ay suportahan ng mga mambabatas ang panukala ni Sen. Mark Villar dahil sa totoo lang ay nagmumukhang kawawa ang mga contractual at JO gov’t. workers dahil wala silang 13th month pay, pero ang mga regular workers meron, gayung pare-pareho lang naman silang nagtatrabaho sa pamahalaan.


◘◘◘


MAKAKASAMA SA IMAHE NG MARCOS ADMINISTRATION ANG ‘MAHARLIKA WEALTH INVESTMENT FUND’—Hindi pa tapos ang isyu tungkol sa hinihinging confidential funds ng mga trapo dahil heto’t may tinatalakay na naman sa Kongreso tungkol sa Maharlika Wealth Investment Fund, na ang pondong itatambak ay magmumula sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP) at National Treasury.


Dapat i-reject ito ng majority senators and congressmen kasi baka makasama pa ‘yan sa imahe ng Marcos administration, lalo na’ sa ganyang uri rin ng wealth investment fund nasampahan ng kasong korupsyon at nakulong si dating Malaysia Prime Minister Najib Razak.


◘◘◘


MALAPIT NA MAHUBARAN NG MASKARA ANG ‘UTAK’ SA 34 MISSING SABUNGERO—May isa nang suspek sa pagdukot at pagkawala ng 34 sabungero at sa ngayon ay sinampahan ito ng kaso ng misis ng isa sa mga missing sabungero.


Dahil d’yan ay malapit-lapit na mahubaran ng maskara kung sino ang “utak” o nasa likod ng pagkawala ng 34 sabungero.


◘◘◘


KUNG ‘NGANGA’ LANG SI IMMIGRATION COMM. TANSINGCO LABAN SA HUMAN TRAFFICKING SYNDICATE, DAPAT SIBAKIN SIYA NI P-BBM—May mga kababayan tayong biktima ng human trafficking ang naipupuslit palabas ng Pilipinas para pagtrabahuhin bilang online scammers sa Myanmar.


Dapat sibakin na ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco dahil tila “nganga” lang ito sa kanyang tanggapan kaya’t hindi nalalaman na may namamayagpag na sindikato ng human trafficking sa ‘Pinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page