Puring-puri ang bagong GF ni Mavy, Kyline… CARMINA: ASHLEY, MARESPETO AT VERY SWEET
- BULGAR

- Oct 11
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 11, 2025

Photo: IG @ashleyortega
Puro papuri si Carmina Villarroel kay Ashley Ortega, ang girlfriend ng anak na si Mavy Legaspi.
Sa interview sa aktres at nang matanong tungkol kay Ashley, sabi nito, “Si Ashley, she’s very respectful and she’s such a sweet lady talaga. Wala naman akong say sa mga love life nila.”
Nabanggit din ni Carmina na magaan ang loob niya kay Ashley dahil nagkasama sila sa series ng GMA na Widows’ Web (WW), kaya more or less, kilala na niya ang dyowa ng anak.
Pero ang mga netizens, ayaw paawat sa pag-comment. Careful lang daw si Carmina dahil ayaw ma-bash tulad noong mag-break sina Mavy at Kyline Alcantara.
May nag-comment naman na dapat nakikialam ang aktres sa love life ng mga anak dahil paano kung magkamali ng pagpili sina Mavy at Cassy Legaspi?
Anyway, first time na magkakasama si Carmina, mga anak na sina Mavy at Cassy, at asawang si Zoren Legaspi sa afternoon series na Hating Kapatid.
NAGTATANONG at curious ang mga fans kung ano ang nangyari sa friendship nina Barbie Forteza at David Licauco. Napansin kasi nila na nagkakailangan at tila nag-iiwasan ang dalawa nang magkita sa isang event ng fast food chain na kabilang sila sa mga endorsers.
Dumating sina Barbie at David sa Celebrate World Egg Day event at napansin ng mga netizens na hindi na sila sweet. Madalas sa mga larawan, magkalayo sila, at kung magkatabi man, may space sa kanilang pagitan at hindi na umaakbay si David kay Barbie.
Hindi lang magkasundo ang mga fans kung sino ang umiiwas sa dalawa, basta ramdam na nag-iiwasan sila.
Nagbiruan tuloy ang mga fans na pansinin naman daw ng aktres si David. Nagpansinan lang sila noong tinawag para batiin ang mga staff at fans na nasa event.
Mas sweet pa nga raw sina Barbie at Alden Richards na present din sa event dahil nang dumating si Alden (naunang dumating ang aktres), agad silang nagyakapan. Kita rin sa kanila na masaya silang magkita uli, magkatabi pa sa upuan, at tiyak, walang tigil ang tsikahan.
Nagsagutan pa ang mga fans nina Barbie at David dahil nag-comment ang fans ng aktor na napakaarte ni Barbie sa hindi pagpansin kay David. Akala raw ng aktres, sikat siya.
Samantala, sumagot naman ang mga fans ni Barbie na paano kung si David ang hindi namansin, alangan naman daw na pansinin pa rin siya ni Barbie?
Tanong pa ng mga fans ng aktres, bakit si Barbie ang nasisisi?
Ang paniniwala ng iba, kaya may ilangan sa dalawa dahil may kani-kanya na silang love life. Si Barbie Forteza, may Jameson Blake na, at si David Licauco ay may non-showbiz girlfriend na bumalik na yata sa Australia.
NAPAPANAHON ang paalala ni Dingdong Dantes na maging handa sa lindol dahil sunud-sunod ang lindol sa bansa.
Kahapon nga, lumindol sa Davao at dasal ng lahat, wala nang sumunod.
Anyway, sa Facebook (FB) ni Dingdong, may earthquake alert siya para sa lahat at may paalala siya kapag nangyari ang ‘The Big One’. Ang daming matututunan kapag pinanood ang video na inihanda ng Office of the Civil Defense at ni Dingdong. May reminders din ng mga dapat gawin pagkatapos ng lindol.
May mga paalala rin si Dingdong kung bagyo naman ang darating sa bansa o kung may bulkan na puputok. Lahat yata ng mga natural disasters ay may reminders ang aktor at ang Office of the Civil Defense.
Samantala, nagsimula nang mag-taping si Dingdong para sa bago niyang series sa GMA na Master Cutter (MC). Nabanggit nitong naninibago siya sa muling pagte-taping dahil matagal na siyang hindi gumagawa ng series. At the same time, excited siya to be working again lalo na’t magagaling ang kasama niya sa cast.
Si Max Collins ang kapareha rito ni Dingdong at matatandaan na magkasama rin sila sa pelikulang Only We Know (OWK) kung saan gumanap silang mag-asawa.
Kabilang din sa cast ng MC sina Paolo Contis, Rio Locsin, Joey Marquez, Jo Berry, Tonton Gutierrez, at sina Charlie Fleming at Shuvee Etrata.








Comments