top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pura Luka Vega, bad talaga ang ginawa, pero mga trapong sumasakay sa isyu mas malala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 16, 2023



IPOKRITO SI ZUBIRI KASI DEBOTONG KATOLIKO RAW SIYA KAYA GALIT KAY PURA LUKA NA NAMBASTOS KAY KRISTO, PERO NANG BASTUSIN NI EX-P-DIGONG ANG DIYOS, NGANGA LANG SIYA -- Isa sa maituturing na ipokritong senador ay si Senate President Migz Zubiri.


Umuusok kasi sa galit si Zubiri sa ginawang performance ni drag artist Pura Luka Vega nang gayahin ang kasuotan at hitsura ni Jesus Christ na sinabayan pa ng kantang “Ama Namin” na ang tema ng tugtog at awit ay ginawang rock song, na ayon sa Senate President ay isa raw siyang debotong Katoliko kaya para sa kanya ay bad ang ginawang ito ng performer sa isang event sa Quezon City.


Nasabi nating ipokrito si Zubiri kasi nang murahin at alipustahin ni ex-P-Duterte noon ang Diyos ay dedma lang siya sa ginawa ng dating presidente, na kung tutuusin ay mas karima-rimarim ang ginawang pambabastos ng dating pangulo sa Diyos, kaysa sa ginawa ni Pura Luka Vega, period!


◘◘◘


BAD SI PURA LUKA VEGA, BAD DIN ANG MGA TRAPONG SUMASAKAY SA ISYU -- Sa totoo lang, bad talaga ang ginawa ni Pura Luka Vega kasi ang kanyang performance na gawing rocker si Kristo ay kawalan ng respeto sa mga Katoliko, lalo na sa Diyos kung kaya’t nakatikim ang drag artist ng pambabatikos mula sa publiko.


Kaya lang, nang sakyan ng mga pulitiko ang isyung ito, hindi lang ang drag artist ang nakakatikim ngayon ng pambabatikos sa publiko, kundi pati ang mga traditional politician (trapo) na nagpapanggap na mga debotong Katoliko raw, pero mga dedma lang nang bastus-bastusin noon ni ex-P-Duterte ang Diyos, boom!


◘◘◘


SABIK NA SABIK NA SI ZUBIRI NA ISUGAL NG MARCOS ADMIN SA INVESTMENT ANG KABAN NG BAYAN AT PERA NG MAMAMAYAN -- Ibinida ni Zubiri sa publiko na sa July 18, 2023 raw ay pipirmahan na ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang panukalang batas na Maharlika Investment Fund (MIF).


Sa tema ng statement na ito ni Zubiri ay pagpapakita na sabik na sabik na siyang isugal ng Marcos admin sa investment ang kaban ng bayan at pera ng mamamayan, tsk!


◘◘◘


MAYOR VICO AT MAYOR ABALOS, ‘NGANGA’ SA STL-CON JUETENG --Tuloy pa rin ang operasyon ng raket na Small Town Lottery (STL)-con jueteng nina "Kits" at "Egay" sa Pasig City at Mandaluyong City.


Ibig sabihin n’yan, pagdating sa pagsugpo sa illegal gambling, “nganga” lang ang anak ni comedian Vic Sotto na si Pasig City Mayor Vico Sotto, at tatay ni DILG Sec. Benhur Abalos na si Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page