top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pumunta sa casino, tumaya at nanalo

BULGAR
Nov 3, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 3, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolly ng Taguig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa casino, tapos sumali ako sa mga nagpupustahan ng malalaking halaga sa naglalaro ng baraha. Nanalo ako, tapos nadoble ang pera ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rolly



Sa iyo, Rolly,


Ang panaginip mo na pumunta ka sa casino, sumali sa nagpupustahan ng malaking halaga sa playing cards ay nangangahulugan na masasangkot ka sa gawaing madaling pagkakitaan, pero ilegal ang paraan.


Samantala, ang nanalo ka at nadoble ang pera mo ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng pagkalugi sa iyong negosyo. Mauubos ang puhunan mo at maaaring hindi ka na muling magnegosyo dahil sa naranasan mong pagka-bankrupt.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page