top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pumunta sa bahay ng first love at nalamang labs pa ni guy

BULGAR
Mar 28, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 28, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Liza ng Mandaluyong.


Dear Maestra,


Pumunta ako sa bahay ng first love ko na may ka-live in ngayon at nag-stay ako sa bahay nila at close ako sa nanay niya. Nang paalis na ako sa bahay nila, biglang dumating ang first love ko galing sa trabaho, pero iniiwasan ko siya. Gayundin, humalik pa ako sa pisngi ng nanay niya at nagpaalam, tapos narinig kong sinabi niya sa nanay niya na talagang mahal niya ako. Ano ang ibig sabihin nito?


Hindi ko na siya iniisip dahil naka-move on na ako. Nagtataka ako kung bakit sumagi siya sa aking panaginip.


Naghihintay,

Liza



Sa iyo, Liza,


Ang ipinahihiwatig ng panaginip mo ay kabaligtaran sa tunay na buhay. Hindi na kailanman babalik sa iyo ang first love mo at pati ang nanay niya ay hindi rin pabor na magkabalikan kayo. Gayunman, may inilalaan sa iyo ang tadhana na siya mong makakatuluyan. Liligaya ka sa kanya at magugustuhan ka ng pamilya niya, lalo na ng nanay niya.


Sikapin mong alisin nang tuluyan sa isip mo ang iyong first love dahil past is past at burahin mo na siya sa isip mo. Walang mabuting maidudulot kung palagi kang alipin ng iyong nakaraan. Hindi mo masasagap ang magandang kapalaran na paparating na sa iyong pintuan hangga’t nakabaon ka sa nakaraan. Keep calm, stay happy. Stay safe and healthy.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page