top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pumoporma na ang mga senatoriables, kani-kanya na silang gimik!

  • BULGAR
  • Sep 19, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 19, 2021


PUMOPORMA na rin ang mga senatoriables.


Kani-kanyang gimik lang ‘yan!


◘◘◘


PAPATOK na naman ang mga opinion survey.


Raket-raket lang talaga ang buhay!


◘◘◘


MARAMING bakunado ng anti-COVID-19 ang nagkakasakit pa rin ng COVID-19 at nade-dedbol bigla.


Bakit walang nag-uulat at nagi-imbestiga?


◘◘◘


MALAKAS na immune system pa rin ang pangontra COVID-19.


Pinakaepektib kapag kinambalan ng anti-flu at anti-pneumonia vaccines ‘yan ang totoo at aktuwal na panlaban sa COVID—wala nang iba pa!


◘◘◘


MAY mga bakunado na ng anti-COVID pero namamatay sanhi ng pneumonia.


Pero kung may anti-pneumonia at anti-COVID vaccines siya, dapat ay mas ligtas siya at hindi mage-severe o hindi maospital!


◘◘◘


ANG ilang ospital ay parang insurance — legal racket.

Bakit?


Maraming may COVID ay nahawa ng COVID mula sa loob mismo ng ospital kung saan nagbayad sila ng milyun-milyong piso hospital bills!


◘◘◘


NAPAKARAMI na ng namatay ang hindi nakapasok sa ospital dahil walang bakante.


Malinaw na nag-collapse na ang health care system ng bansa!


◘◘◘


SOBRANG dami naman ng mga may COVID na umiiwas mismo sa ospital.


Ito ay hindi lamang sa takot na lalong maging grabe ang sakit, bagkus ay dahil sa sobrang laki ng hospital bills!


◘◘◘


INUTIL ang gobyerno sa panahon ng COVID-19.


Walang silbi ang healthcare system ng bansa!


◘◘◘


MALAKING ambag ang tulong ng mga general physician na hindi tumatanggi sa mga pasyente na may sintomas ng COVID.


Libu-libong may sintomas ng COVID ay napagaling mula sa kanilang reseta at diagnosis!


◘◘◘


NAKALULUNGKOT na walang anumang biyaya, tulong, asiste o ayuda na natatanggap ang private physician na direktang tumutulong sa pasyenteng may COVID.


Walang probisyon sa Bayanihan 1, 2 at 3 na suportahan ang mga general physician na aktuwal na frontliner!


◘◘◘


SA pagguho ng health care system, ang mga private medical practitioner sa

Mga barangay ang tanging salbabida ng ordinaryo mamamayan.


Private GP ang tunay na buhay na bayani sa panahon ng pandemic!


◘◘◘


WALANG kakayahan ang DOH na kilalanin, pahalagahan at suportahan ang maliliit na consultation center ng mga GP sa mga barangay.


Isang malaking kasalanan at pagkukulang ito ng DOH, IATF at Malacañang!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page