Pumitas ng peras, sign na mapo-promote sa trabaho
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 17, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Pasig.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-prepare ako ng pagkain namin. Nagluto rin ako ng green peas, at pumitas ako ng peras na nilagay ko sa fruit tray. Masaya naming pinagsaluhan ang simpleng pagkain na niluto ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gloria
Sa iyo, Gloria,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-prepare ka ng meal para sa inyo, ay magiging abala ka sa piling ng iyong mga anak. Ang nagluto ka ng green peas, ay senyales na susuwertehin ka sa pag-ibig. Magiging masaya ka sa piling ng iyong minamahal.
Samantala, ang pumitas ka ng peras, at nilagay mo ito sa fruit tray, ay nagpapahiwatig na mapo-promote ka sa iyong pinapasukan at magtatagumpay ka sa binabalak mong negosyo.
Ang masaya kayong nagsalu-salo ng pamilya mo, ay nangangahulugang magiging masaya ang pagsasama n’yo ng asawa mo, kung saan mapupuno ng pagmamahal ang inyong pagsasama.
Magiging tapat, at maalalahanin siya sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments