Search
  • BULGAR

Pulitikong BF, 'di na binigyan ng kahihiyan…

ALEX, WA' PAKI KAHIT PAGTAWANAN AT MUKHANG CHEAP BASTA PARA SA PERA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 16, 2021




Marami ang hindi nakagusto sa TikTok na ginawa ni Alex Gonzaga kung saan gumamit siya ng props na pandesal na dinukot niya sa kanyang bra at kinain.


Dati na itong ginagawa ng ilang comediennes at tanggap naman ng iba, pero nang si Alex na ang gumawa, hindi naging katanggap-tanggap dahil hindi raw bagay sa personalidad ni Alex ang ganu'ng style ng pagpapatawa.


Kahit naman komedyana ang pagkakilala sa kanya sa showbiz, dapat na maingat pa rin siya sa content na gagamitin niya sa kanyang vlog sa You Tube o TikTok. May tamang panahon para sa klase ng kanyang comedy.


Dapat tandaan ni Alex na ang kanyang fiancé na si Councilor Mikee Morada ay isang public servant na may imahe ring dapat alagaan. Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng mga partidos ni Mikee kapag napanood ng mga ito ang latest vlog ni Alex na may props na pandesal?


Sinaway na nga siya ng nobyo tungkol du'n at siguradong napagsabihan na rin si Alex ng kanyang parents at ng kanyang Ate Toni.


Kaya nga dapat next time ay extra careful na si Alex sa kanyang gagawing content sa vlog. Kahit na maraming natuwa-naaliw sa mga una niyang vlogs, may imahe pa rin siya sa publiko na dapat alagaan. Hindi naman siya basta iiwan ng milyones niyang subscribers kung wholesome ang kanyang mga vlogs. 'Wag namang gawing katawa-tawa at cheap ni Alex ang kanyang sarili para lang tumaas ang kita ng kanyang YouTube account.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.