Pulis na suspek sa kaso ni Catherine Camilon, 'di sumipot sa imbestigasyon

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 10, 2023

Hindi sumipot sa preliminaryong imbestigasyon nu'ng Martes ang pulis na itinuturing na pangunahing suspek sa pagkawala ng Pinay beauty queen na si Catherine Camilon.
Ayon kay Atty. Ferdinand Benitez, abogado ni Police Major Allan de Castro, hindi nakadalo sa Batangas City Hall of Justice ang suspek dahil may lagnat ito.
Saad pa niya, "The next preliminary investigation is on January 17, 1:30 p.m., same time. Hindi siya required pumunta, actually. Ang required lang pumunta are those who will execute a reply affidavit."
Matatandaang sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention si De Castro, kasama ang kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang pang kasabwat nito.
Nagdadalamhati naman ang ina ng beauty queen na si Rose Camilon sa 'di pagsipot ng pulis sa preliminaryong imbestigasyon.





Comments