top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Pulis na palaban ang kailangan kontra-krimen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 30, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi sapat na rumesponde lamang ang pulis kapag may naganap na krimen. Ang tunay na sukatan ng mahusay na pagpapatupad ng batas ay kung gaano kabisa nitong napipigilan ang kriminal bago pa may mabiktima. 


Kailangang ramdam sa mga lansangan at komunidad ang presensya ng pulis—alerto, mabilis at handang kumilos.


Walang puwang sa hanay ng kapulisan ang pagiging kampante habang may mga kriminal na malayang naghahasik ng takot. Kailangang paigtingin ang intelligence operations, patrol at pagtugis sa mga wanted na indibidwal at sindikato. 


Ang kriminal ang dapat matakot sa batas, hindi ang mamamayang sumusunod dito.

Ngunit ang pagiging palaban ay hindi lisensya para abusuhin ang kapangyarihan.


Kailangang matapang ngunit disiplinado, agresibo laban sa krimen ngunit mahigpit na sumusunod sa batas at karapatang pantao. Ang kapulisan na malakas ngunit walang pananagutan ay maaari ring maging banta sa mismong mamamayang dapat nitong protektahan.


Kailangan ng bansa ng mga pulis na hindi uurong sa harap ng kriminalidad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page