top of page
BIDA - UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN-FB Circulated.jpg

Pulis kada iskul, ‘di kakayanin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Christina Cla-or (UCC-OJT) @News | June 24, 2026



Pamamaril sa San Jose High School - Tacloban City Fire Station

Photo: Makikita sa larawan ang mahigpit na pagbabantay ng mga miyembro ng Manila Police District Special Weapons and Tactics (MPD-SWAT) sa mga paaralan sa Lungsod ng Maynila kasunod ng madugong insidente ng pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Tacloban City. (Jeff Tumbado)


Hindi kakayaning makapagtalaga ng mga pulis sa lahat ng paaralan sa bansa kasunod ng insidente sa Tacloban City, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Kahit na nauna nang iniutos ang mas pinaigting na pagpapatrol at pagpapadala ng mga pulis, hindi pa rin umano ito sapat dahil sa lawak ng sakop na umaabot sa humigit-kumulang 50,000 eskwelahan sa buong bansa.


Dahil dito, ipinaliwanag ng mga otoridad na strategic deployment ang kanilang ipinatutupad kung saan nakatuon ang mga pulisya sa mga lugar na mas mataas ang panganib at higit na nangangailangan ng seguridad.


Kasabay nito, mas pinalalakas din ng PNP ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, barangay, at iba pang ahensya upang mas mapalakas ang seguridad sa mga paaralan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page