top of page
Search
  • BULGAR

Pula at itim na damit, dapat suotin ng OFW upang matagpuan ang "The One"

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Ika-28 Araw ng Abril, 2024



Dear Maestro,


Matagal na ako rito sa Hong Kong, ngunit hanggang ngayon ay hirap pa rin akong makahanap ng lalaking magmamahal sa akin. Ano’ng kulay ng damit ba ang dapat kong isuot upang suwertehin ako sa buhay, lalo na sa pag-ibig?


Malas ba ako sa pag-ibig o may posibilidad pa ba kong suwertehin na makapag-asawa at magkaroon ng masayang pamilya? Kung mayroon, kailan naman ito magaganap?


Sana sa pagbakasyon ko sa ating bansa sa susunod na taon ay magkaroon na ako ng lalaking makakasama habambuhay. February 7, 1988 ang birthday ko. 

 

Umaasa,

Aileen ng Kawloon, Hong Kong

 

Dear Aileen,


Para makapag-asawa ka, ayon sa birth date mong 7 at sa destiny number na 8 (2+7+1988=1997/ 19+97=116/ 11+6=17/ 1+7=8) at sa zodiac sign na Aquarius, kailangan palagi kang magsuot ng kulay na pula sa kumbinasyong itim. Ang nasabing dalawang strong color na pinagsamang itim at pula ang hihigop ng magarang pag-ibig at masayang pakikipagrelasyon sa sandaling hindi mo inaasahan. Higit lalo sa ngayong 2024 hanggang 2025.


Samantala, kapag sawa ka na sa pagsusuot ng pula at itim, puwede ring pamalit ang green at yellow. 


Habang ka-compatible naman ng zodiac sign mong Aquarius silang mga isinilang sa zodiac sign na Libra, Gemini, Leo at kapwa mo Aquarius. Gayundin, silang mga isinilang sa buwan ng Disyembre at Enero, higit lalo silang may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22 at 31. Samantala, dagdag sa mga taong ka-compatible mo ay kahit ano’ng zodiac sign, basta’t isinilang sa mga petsang 4, 13, 22, 31, 5, 14, 23, 8, 17 at 26.


Sa sandaling nagawa mo ang simpleng rekomendasyon na inilahad sa itaas at nagkataong nagkaroon ka ng kaibigan na isinilang sa nasabi ng zodiac sign at petsa, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2024 o kaya sa susunod na taon, sa edad mong 36 pataas, walang duda. makakapag-asawa at magkakaroon ka na ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya na hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page