top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Puhunan sa Maharlika, 'di lang P275B kundi P.5 Trilyon, mga Pinoy naisahan na naman, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 5, 2023


TAUMBAYAN, 'NAISAHAN', P275-B LANG DAW ANG IPANGPOPONDO SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND, 'YUN PALA P500-B—Nang inuumpisahan pa lang talakayin sa Senado at Kamara ang Maharlika Investment Fund (MIF), ang pinag-uusapang pondo ng bayan na ipangpupuhunan dito ay P275 billion, pero nang maipasa na ito ng mga kongresista at senador at lagda na lang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kailangan upang maisakatuparan ito, saka nalantad na kasama pala sa probisyon na inaprub ng mga mambabatas ay puwede itong pondohan ng hanggang P500 billion.


Kita n'yo na ang kalokohan ng ilang kongresista at senador, "inisahan" ang taumbayan, kasi ang itinanim nila sa isipan ng mamamayan ay P275 billion lang ang ipangpopondo dito, 'yun pala, hanggang P500 billion o kalahating trilyong piso, mga buset!

◘◘◘


SANA SA MAMAMAYAN PUMANIG ANG SC SA LABAN VS. MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Bagama’t pasado na sa Senado at Kamara ang Maharlika Investment Fund (MIF) na popondohan ng hanggang P500 billion, hindi pa tapos ang laban ng mamamayan na tutol dito, kasi may ilang personalidad at sektor na ang nagpahayag na kapag ito ay napirmahan na ni P-BBM ay kukuwestyunin nila sa Supreme Court (SC) ang legalidad ng government investment fund na ito.


Sana sa pagkakataon na ito dahil public interest ang pinag-uusapan dito ay pumanig naman ang SC sa mamamayan, ideklara nilang unconstitutional ito para matigil na ang pagnanasa ng mga traditional politicians (trapo) na mapondohan ito ng P500 billion mula sa pera ng bayan, period!

◘◘◘


DAPAT MGA BAGONG MUKHA NA HINDI KAKILALA NG MGA SMUGGLERS ANG ITALAGA SA MGA TANGGAPAN NG CUSTOMS—Kapag nagsagawa ng balasahan sa Adwana ay palit-palit mukha lang sa puwesto ang mga Customs officials at 'yan ang posibleng dahilan kaya hindi natitigil ang smuggling dahil kakilala rin ng mga smugglers ang mga napupuwesto sa mga juicy positions kahit pa nagkakaroon ng reshuffles sa Customs.


Subukan lang ni P-BBM na magtalaga ng mga bagong mukha sa Customs, na hindi kakilala ng mga smugglers ay tiyak matitigil na ang raket ng mga smugglers sa Adwana, boom!

◘◘◘


PNP CHIEF MAY KAMPANYA VS. ILLEGAL GAMBLING, PERO PD NG PANGASINAN 'DEDMA' LANG—Isa ang Pangasinan sa may pinakamaraming gambling lords na nag-o-operate ng color games at drop balls at ang mga ganitong uri ng raket ay pinatatakbo nina "Akie" sa Malasique, "Jano" sa Bautista, "Mel" sa Urdaneta City, "Conrad" sa Manaoag, "Rene," "Bunso" at "Alvin" sa Binmaley at San Jacinto.


Mantakin n'yo, may direktiba na si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda laban sa illegal gambling, pero si Pangasinan PD Col. Jeff Fanged ay dedma lang sa mga ganitong raket sa kanyang jurisdiction? Tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page