top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pugad ng ibon, pahiwatig ng planong pagpapakasal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 27, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Sherly ng Divisoria, Manila.


Dear Maestra,


Kumusta kayo? Nawa ay palagi kayong ligtas sa anumang uri ng panganib at kapahamakan.


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na may nakita akong pugad ng ibon sa puno ng bayabas namin. May laman na itlog ang pugad, kaya lang, ito ay basag na at kinain ng daga.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Sherly


Sa iyo, Sherly,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakita kang pugad ng ibon sa puno ng bayabas niyo ay nagbabalak ka nang magpakasal. Ang may lamang itlog ang pugad, pero basag na ang mga ito ay nagpapahiwatig ng kabiguan sa iyong mga pangarap.


Samantala, ang ibig sabihin ng kinain ng daga ang basag na itlog sa pugad ay sunud-sunod na kasawiang palad dahil sa paninira ng mga lihim mong kaaway na akala mo sa umpisa ay kaibigan, pero siya pang magpapabagsak sa iyo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page