top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Publiko, inalerto laban sa dengue, cholera, at thypoid fever

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | June 2, 2023


Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagkakaroon ng mga vector-borne disease tulad ng dengue kapag naramdaman na ang epekto ng El Niño sa bansa.


Bukod sa mga vector-borne diseases, sinabi ng health department na karaniwan din ang insidente ng diarrhea, sunburn, pagkapagod at heat cramp/stroke sa panahong ito na hindi karaniwang mas mainit kaysa sa average na temperatura sa ibabaw ng dagat sa Pilipinas.


Nagbabala rin ang health department sa food poisoning, asthma, nausea at iba pang sakit na dulot ng pagkonsumo ng pagkain na apektado ng red tide.


Para maiwasan ang pagkakaroon ng dengue, muling pinaalalahanan ng DOH ang mga school administration at gayundin ang publiko sa 5S Strategy: “Search and destroy mosquito breeding sites; uphold Self-protection like using insect repellents; Seek early consultation at the nearest health care facility; Support fogging, spraying and misting in hot spot areas and Sustain hydration.”


Dagdag pa ng DOH, ang mga health services at konsultasyon nito ay makukuha sa pamamagitan ng primary care at mga serbisyo ng KonsulTayo.


Kasabay nito, pinayuhan din ang publiko upang maiwasan ang heat stroke at pagkahapo, tandaan na at uminom palagi ng tubig.


Nauna rito, naglabas ng El Niño alert ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) habang nahaharap ang bansa sa banta ng dry spell.


Sinabi rin ng PAGASA na ang mga kamakailang kondisyon at model forecasts ay nagpapahiwatig ng 80% posibilidad na magsisimula ang El Niño sa Hunyo, Hulyo at Agosto at maaaring magpatuloy hanggang sa unang quarter ng 2024.


Paalala lamang sa ating mga kababayan na palaging mag-ingat mula sa mga sakit na puwedeng makuha sa darating na El Niño. Siguruhin natin na palaging malinis ang ginagamit at iniinom nating tubig at magpakonsulta agad sa doctor kapag nakakaramdam na ng sintomas ng mga sakit.


Pakiusap din sa lahat na huwag mag-self medicate dahil baka lumala lang ang iyong karamdaman.


Dapat ring magsagawa ng mga programa sa bawat barangay na makakatulong upang luminis ang ating kapaligiran at maiwasan ang mga sakit na puwedeng makuha.


Sa maruming kapaligiran at walang kadisiplinahan sa sarili, mas madali tayong madadapuan ng mga sakit.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page