top of page
Search
  • BULGAR

‘Public servants’, ubod ng yaman, sa laki ng sahod galing sa kaban ng bayan

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 7, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


NUMERO UNONG SMUGGLER NG ‘PINAS NA SI ‘GERRY TEVES’ ‘DI PA RIN NASASAMPAHAN NG KASONG ECONOMIC SABOTAGE -- Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin natitigil ang pagpapapasok ni alyas “Gerry Teves” ng mga meat, ukay-ukay at plastic resins smuggled products sa Customs.


Sa totoo lang, hindi talaga titigil si “Gerry Teves” sa kanyang raket na smuggling, kasi maraming beses na lumutang ang kanyang pangalan sa mga imbestigasyon ng Senado at Kamara tungkol sa isyung siya ang numero unong smuggler ng ‘Pinas, pero hanggang ngayon ay wala pang naisasampang kasong economic sabotage laban sa kanya ang Customs, period!


XXX


DAHIL 2 GRUPO NA KANYANG PROTEKTOR, KAYA ‘UNTOUCHABLE’ ANG RAKET NI ‘TOCE’ SA LAGUNA -- Kung dati ay grupo lang ni “Tsan Parak” ang nagbibigay proteksyon sa jueteng at lotteng ni alyas “Toce” sa Laguna, ngayon ay may isang grupo pa ang nadagdag na protektor ng kanyang mga illegal gambling sa probinsyang ito, at ito ay ang “Magsino Group.”


Dahil dalawang grupo na ang protektor ni “Toce” kaya’t napaka-untouchable na ng kanyang mga raket sa jurisdiction nina PNP-Region 4-A director, Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas at Laguna PNP Director, Col. Gauvin Unos, tsk!


XXX


KAYA UBOD NG YAMAN ANG MGA ‘PUBLIC SERVANTS’ KASI MALAKING BAHAGI NG KABAN NG BAYAN SA KANILA NAPUPUNTA -- Shocking ang ibinulgar ng Commission on Audit (COA) tungkol sa taunang suweldo ng mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kasi ang pinakamataas na salary ay umaabot sa higit P35.479 million o higit P2.9 M monthly at ang pinakamababa ay P21.124 M annually o higit P1.7 M monthly.


Sa laki ng tinatanggap na suweldo ng mga gov’t. official, tapos bilyones at ang lalaki rin ng confidential at pork barrel funds ng mga pulitikong high ranking officials ng bansa, ay d’yan makikita na malaking bahagi ng kaban ng bayan ay napupunta sa mga nagpapakilalang “public servants” ng ‘Pinas.


‘Yan ang dahilan kung bakit ang daming “public servants (kuno)” ang ubod ng yaman, at kung bakit ang daming Pinoy ang naghihirap sa ‘Pinas, boom!


XXX


SENADO ‘NO’ SA EX-P-DUTERTE ‘GENTLEMAN’S AGREEMENT’ SA CHINA, ‘YES’ SA IMBESTIGASYON SA PBBM LINK SA DROGA -- Tutol si Senate Pres. Migz Zubiri na imbestigahan ng Senado ang ‘gentleman’s agreement’ nina ex-P-Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping tungkol sa isyu ng WPS.


Naku, eh baka magtampo si Pres. Bongbong Marcos kay Zubiri, kasi ang imbestigasyon ng committee ni Sen. Ronald dela Rosa tungkol sa pagkakasangkot ni PBBM sa droga ay pinayagan niya, tapos iyong ‘gentleman’s agreement’ sa China na kinasasangkutan naman ni ex-P-Duterte ayaw paimbestigahan ng Senate president, boom!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page