Proud na proud sa galing ng kapatid… DANICA: SANA LAHAT NG MAYOR, TULAD NI VICO
- BULGAR

- Oct 14
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 13, 2025

Photo: FB Danica Sotto-Pingris & Vico Sotto
Napa-‘sana all’ ang mga hindi taga-Pasig sa post na Go Bag na ipinamigay ni Mayor Vico Sotto at ng pamunuan nito. Emergency go bag ito at ang laman ay para sa mga pamilya sa Pasig bilang paghahanda sa mga lindol, bagyo at iba pang sakuna.
May mga nag-wish na sana meron din sa lugar nila. It turned out, meron na ring Go Bag sa Quezon City (wala pa kaming natatanggap) at sa San Juan City.
Pang-emergency ang laman ng bag at gugustuhin mo talaga na makatanggap ka. Ang maganda pa, walang larawan ni Vico o ni QC Mayor Joy Belmonte ang ipinamigay na Go Bag. Hindi pa namin nakita ang Go Bag ng San Juan City.
Sana nga lahat ay meron nito at sa Pasig nga, may sarili ring Go Bag ang mga bata, lalo na ‘yung mga estudyante.
Baka nga naman sa school sila maabutan ng lindol, kaya kasama sa Go Bag ang hard hat.
Dapat pala talagang ipagmalaki si Mayor Vico ng kanyang mga constituents.
Anyway, proud ate ni Vico si Danica Sotto-Pingris at tinawag na ‘genuine public servant’ ang kapatid.
Wish pa ni Danica, “I wish there would be so many Vico Sotto in every municipality. Sana lahat ng mayor ay katulad niya.”
Anak kay LJ, ‘di pa rin madalaw…
PAOLO, NAKAKA-BONDING NA ANG MGA ANAK KAY LIAN
ANG dami na namang natuwa nang makita ang Instagram (IG) post ni Paolo Contis kasama muli ang kanyang mga anak at ang mag-asawang Lian Paz-Cabahug at John Cabahug.
Sey ni Paolo, “My heart is full... Thank you @johncabahug78 and @liankatrina for a wonderful day! Staying at @enchantedmountain.cebu was great, but being with your whole family was the best! Thank you for being such a wonderful host! I am speechless! God is great!”
Sumagot si Lian, “Maraming kuwento pero ang pinakamagandang kuwento ay ang pagpapatawad. Only by the grace of God! Not of our own efforts and time. It is by God’s grace alone.”
May comment din si John, “Our hearts are full also. Grabe ‘yung kwentuhan natin from airport, 3 hour drive until midnight pero bitin pa rin. Thank you also @paolo_contis.”
Sagot ni Paolo, “@johncabahug87 marami pa tayong topics soon! Hahaha!”
Nagpasalamat uli si Paolo kay Lian at natuwa ang mga nakabasa sa convo nila.
Happy ang mga friends ni Paolo Contis na libre na niyang mabibisita ang dalawa niyang anak kay Lian nang walang problema.
Ang sunod na wish ng mga followers ni Paolo ay makita na rin niya si Summer, ang anak nila ni LJ Reyes na based in New York City. Kapag dumating ang araw na ‘yun, sigurado raw na kumpleto na ang kasiyahan ng aktor.
BINASAG ng mga fans ni Kathryn Bernardo ang mga naniniwalang si Lucena Mayor Mark Alcala ang sumagot sa tanong ng isang netizen sa TikTok kung kailan sila makikita na magkasama.
Sagot ni Mark, “‘Pag wala nang toxic na bashers.”
Ini-like rin ni Mark at pagkatapos ay in-unlike ang comment niya tungkol sa tanong patungkol sa aktres. Masaya na sana ang mga bashers ni Mark dahil may chance na silang ma-bash si mayor, pati na si Kathryn.
Kaya lang, sabi ng fan ni Kathryn, hindi naman si Mark ang may hawak ng TikTok account nito kundi ang kanyang team, kaya balewala ang pamba-bash sa kanya.
Dagdag pa ng fan, kung si Mayor Mark Alcala ang sumagot sa nagtanong, hindi ‘yun ang kanyang isasagot. May konting finesse at hindi raw ito sasagot kung tungkol kay Kathryn Bernardo.








Comments