Proud na drag artist… Marina Summers, ibinida ang mga tagumpay ngayong Pride Month
- BULGAR

- Jun 3, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 3, 2024

Ibinida ng tinaguriang Filipina Winnah na si Marina Summers ngayong Pride Month ang lahat ng kanyang tagumpay bilang isang drag artist.
Sa kanyang post sa social media platform na X, inilista ni Marina ang lahat ng kanyang iconic milestones na natamo sa unang kalahati ng 2024: "Finish my first solo tour in the UK, reach one million streams for ‘AMAFILIPINA’, perform for Miss Universe Philippines, and Make it to Vogue Philippines.”
“This is too much,” anang drag artist, na sinundan ng crying face emojis. “The past few weeks [have] been the most life-changing times of my life. WE DID IT! And we’re not stopping anytime soon,” dagdag niya.
Winakasan naman ni Marina ang kanyang post sa pamamagitan ng pagbati, “Happy Pride, everyone! I’m celebrating all these wins with you,”aniya. Noong Marso, nakapasok si Marina sa Top 4 ng "RuPaul's Drag Race: UK vs. The World" Season 2.
Siya ang nag-iisang Asian contestant sa palabas, kung saan ipinakita niya ang kulturang Pilipino sa buong programa. Lumahok din siya noon sa unang season ng "Drag Race Philippines," kung saan siya ang naging first runner-up.





Comments