top of page
Search
BULGAR

Proteksyon sa media sa panahon ng halalan

@Editorial | May 26, 2024



Editorial


Nakatakdang isama bilang election offense ang karahasan laban sa mga mamamahayag.


Kaugnay nito, ayon kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), nakatakda itong lumagda sa isang memorandum of agreement kasama ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo.


Sa ilalim kasi ng Omnibus Election Code, walang nakasaad na partikular na panuntunan kaugnay sa pagtrato ng isang kandidato sa media.


Kaya malaking tulong ang pagbuo ng panuntunan. Nakakatuwa rin na buo ang suporta ng pamunuan ng Comelec sa pagnanais na lumikha ng isang ligtas na environment para sa mga mamamahayag sa bansa lalo na sa nalalapit na 2025 midterm elections.


Hiniling din ng task force sa Comelec na maging parte ito ng media safety summits sa hinaharap.


Maituturing ang naturang MOA bilang isang inisyatibo na magpapaabot ng isang matapang na mensahe sa publiko at international community na committed ang Pilipinas sa pagprotekta sa kalayaan sa pamamahayag.


Umaasa tayo na magiging maayos ang pagbuo ng panuntunan na hindi lamang para sa kapakanan ng mga nasa media kundi para na rin sa publiko.


Maunawaan sana natin na mahalaga ang papel ng mga mamamahayag sa panahon ng kampanya hanggang mismong halalan. Buwis-buhay din ang mga reporter sa paghahatid ng balita lalo na kung mabigat-bigat ang nilalaman at may mga tao o grupong mabubulgar sa kalokohan.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page