top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Proteksyon ng taxpayers vs. abusadong kawani ng gobyerno, bilisan!

BULGAR
Aug 31, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 31, 2022


Higit isandaan empleyado ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang naparusahan dahil sa mga irregular na aktibidad na may kinalaman sa pagbabayad ng buwis mula 2016 hanggang 2022, base sa ulat ng Department of Finance (DOF) sa Senado.


Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, maraming pagkakataon na nagamit ng collecting agency ang kapangyarihan nito upang habulin ang taxpayers kahit sa maling paraan, kaya dapat nang maisabatas ang Taxpayer Bill of Rights and Obligations (TBORO) upang mahinto na ang ganitong gawain.

Batay sa imbestigasyon na isinagawa ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ng DOF noong Abril, ilang empleyado ng BOC at BIR ang nasangkot sa mga illegal na gawain.


Sa 468 na inimbestigahan mula Huyo 2016 hanggang Pebrero 2022, 16 empleyado ang na-dismiss, 10 ang napatunayang guilty sa mga kasong criminal, 35 ang nasuspinde, at 7 ang pinagbayad ng multa. Noong Hulyo naman, iniulat ng BOC na tatlo sa mga tauhan nito ang na-dismiss, 27 ang na-relieve at 7 ang nasuspinde.


Kung tutuusin, hindi ito ang unang pagkakataon na may mga kawani ng gobyerno na nasangkot sa illegal na gawain, pero nakakadismaya dahil hanggang ngayon ay nangyayari pa rin ito.


Obligasyon ng gobyerno na protektahan ang mga taxpayer, kaya dapat lang na maparusahan ang mga abusadong kawani ng gobyerno.


Pakiusap sa mga kinauukulan, ipagpatuloy ang pag-iimbestiga at pagpaparusa sa mga nang-aabuso ng kapangyarihan sa gobyerno.


Sana’y magsilbi rin itong paalala sa lahat na ang pag-upo sa anumang ahensya ng gobyerno ay trabaho na dapat gampanan nang tapat at may layuning makapagsilbi sa ating mga kababayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page