top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Problemado dahil feeling walang direksiyon ang buhay, kailangang pagandahin ang pirma

BULGAR
Sep 25, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 25, 2021



Dear Maestro,


Sumulat ako sa inyo upang humingi ng tulong kung paano magiging masuwerte sa aking buhay. Gusto kong mabuhay nang masaya, subalit ramdam ko na palagi akong nababalisa, nasasaktan, masyadong sensitibo, madaling panghinaan ng loob, walang tiwala sa sarili at palaging problemado, lalo na sa aking sarili at mga kapatid ko, gayundin sa taong malalapit sa puso ko.


Sa trabaho ay ganundin ang buhay ko, litong-lito na at palagi rin akong balisa, wala kasi akong trabaho ngayon. Madalas tuloy akong nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Kaya naman sana ay matulungan mo ako kung ano ang nararapat kong gawin. Bigyan mo ako ng gabay upang mawala ang pagiging balisa at iba pang kahinaan sa sarili na nararamdaman ko sa ngayon. At bigyan mo rin ako ng gabay para sa isang tagumpay at magandang kinabukasan. May 18, 1992 ang birthday ko.


Umaasa,

Marissa ng San Pedro, Minalin, Pampanga



Dear Marissa,


Ang una mong dapat gawin ay baguhin ang iyong lagda upang mawala na ang iyong pagkabalisa. Ang sobrang liit na mga letra sa iyong pirma ay nagpapahiwatig ng hina ng loob at kawalan ng tiwala sa sarili. Kaya dapat magkaroon ka ng confidence at magagawa mo ‘yan kung mula ngayon ay lalakihan mo na ang mga letra, salita at ang mismong lagda.


Kailangang malaki ang mga letra at buhay na buhay at kitang-kita. Habang imbes na tapusin ang lagda sa pataas na guhit na nagsasabing marami kang mga pangarap at imahinasyon sa buhay na hindi mo naman natutupad, mas maigi kung tatapusin mo ang iyong lagda sa straight line upang mas madali mong maipatupad at mabigyang-anyo ang iyong mga balak at hangarin sa buhay.


Pagkatapos mong mapaganda ang iyong pirma, ang ikalawang dapat mong gawin ay iwasan ang pagsusuot ng polo na kulay brown at ‘wag ka na ring gagamit ng kulay na brown. Sapagkat ang kulay na ito, ayon sa Luscher Color Test ay sumisimbolo ng kahinaan, kaduwagan at kawalang direksiyon ng buhay.


Upang magkaroon ng direksiyon ang iyong buhay at lumakas ang iyong loob, gamitin mo ang isa sa pinakamabagsik at matapang na kulay na siya ring angkop sa birth date mong 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9) at ito ay ang kulay pula.


Palagi kang magsuot ng pula sa tuwing sasapit ang petsang 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21 at 30, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Bukod sa pula, mapalad ka rin sa kulay na berde, kung saan isuot mo ang kulay na berde tuwing sasapit ang mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Sabado, Linggo at Lunes.


Tunay ngang kapag nasunod mo na ang mga simpleng rekomendasyon na nabanggit, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2022, sa edad mong 30 pataas, magsisimula ka nang umunlad, umasenso at mas magiging maligaya ang iyong buhay hanggang sa tuluyan mo nang makamit ang wagas at walang alinlangang mas malaki at magagarang mga tagumpay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page