top of page
Search
  • BULGAR

Problema sa edukasyon patuloy na tututukan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | January 28, 2024


Nitong Martes ang unang taong anibersaryo ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II.


Sa kanilang anibersaryo naglabas sila ng kanilang year one report na nagdedetalye sa mga problema at pagkukulang sa educational system ng bansa.


Nakasaad din sa report na ito ang kanilang mga rekomendasyon kung paano matutugunan ang mga problemang ito at mga hakbang na maaaring gawin para mapabuti ang ating education sector.

☻☻☻


Napapanahon ang report na ito ng EDCOM 2 dahil kailangan nating suriin ang mga hamong hinaharap ng sektor ng edukasyon.


Mahalaga ito lalo na sa aming mga mambabatas para naman maipanukala natin ang mga kinakailangang batas na mag-aangat sa kalidad ng edukasyon sa ating bansa.Umaasa tayo na ang mga rekomendasyon na galing sa EDCOM 2 ay magdudulot ng mga tiyak na solusyon upang paigtingin ang ating education sector, ayon sa mga lokal at pandaigdigang mga pamantayan.

☻☻☻


Sinusuportahan natin ang pag-aaral na ito ng EDCOM II at patuloy din nating susuportahan ang mga programang epektibo na magpapabuti sa edukasyon ng ating mga kabataan.


Kung may mga problemang kailangang ayusin, kasama ako sa magpapanukala at magsusulong ng mga repormang tutugon sa mga ito.


Kaisa tayo sa adhikaing suportahan ang pangangailangan ng mga Pilipinong mag-aaral at tiyakin na hindi sila mapag-iiwanan.

☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!



 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page