top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Private sectors, to-the-rescue sa pagbili ng COVID-19 vaccine

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2020
1 min read

@Editorial | December 8, 2020



Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) na bumuo ng panel of experts na magsasagawa ng pag-aaral kung epektibo ang bibilhing bakuna kontra COVID-19.


Ito ay sa gitna ng pag-iisyu ng emergency use of authorization sa COVID-19 vaccine.


Ang nasabing mga eksperto ang magsasagawa ng pagrerepaso ng mga datos kung safe at effective ang nasabing bakuna.


Sa ngayon nakakuha na ng EUA ang Pfizer, Sinovac at Sinopharm at sa unang quarter ng 2021 inaasahang darating sa bansa ang mga bibilhing bakuna galing China.


Kaugnay nito, 60 milyong Pinoy ang target na bakunahan ng pamahalaan kung saan, prayoridad ang mahihirap, frontliners, sundalo at mga pulis.


Samantala, nakatutuwa na maging ang mga nasabing pribadong sektor ay handa ring tumulong sa pagbili ng COVID-19 vaccine.


Napag-alaman na umabot na sa P800 milyon ang naiambag ng pribadong sektor para isulong ang multi-platform approach sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.


Ito ay bilang pakikiisa umano sa “whole of nation approach” at bilang pagkilala na dapat walang iwanan, walang kani-kanya at walang turuan sa pagkuha ng supply ng bakuna ng bansa para sa ating mamamayan.


Tulad ng palagi nating sinasabi, ang laban sa pandemya ay hindi lang laban ng gobyerno o ng mahihirap kundi ng lahat. Ang COVID-19 ay walang pinipili, bata, matanda, mahirap o mayaman. Kaya para maiwasan na ang pagkalat nito, kailangan nating magkaisa, maging disiplinado at laging isaalang-alang ang pakikipagkapwa-tao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page