top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Presyo ng swab test, hindi na maaabuso

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2020
1 min read

@Editorial | November 05, 2020


Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na magtatakda ng price cap para sa RT-PCR o swab testing at test kits.

Sa ilalim ng EO No. 118, inaatasan ang Department of Health (DOH) na tiyakin ang accessibility at affordability ng RT-PCR testing sa buong bansa.

Inaatasan din ang Department of Trade and Industry (DTI) na makipagtulungan sa DOH upang maipatupad ang nasabing price range para sa COVID-19 testing at test kits na ginagamit ng mga ospital, laboratoryo at iba pang health facilities.

Sa pagkakataong ito, kailangan din umanong siguruhin ng mga ahensiya ng gobyerno na patas at angkop sa lahat ng stakeholders ang ipatutupad na price range.

Kaugnay nito, ang paglalabas ng mga kaukulang abiso na magpapabatid sa mga health facilities na mayroon nang accreditation para mag-operate ng COVID-19 diagnostic laboratories kaugnay sa mabubuong price range.

Bilang babala sa mga hindi susunod sa ipatutupad na price range, posibleng bawian ng lisensiya o accreditation.

Tapos na ang maliligayang araw ng mga sugapa sa swab testing. Imbes na tumulong sa kinahaharap na pandemya, eh, sinasamantala pa ang pagkakataon para kumita. Ngayon, tingnan natin ang tatag n’yo sa kasakiman.

Kaya ang panawagan din sa publiko, sakaling may mga makakapal pa rin ang mukha ng sobra-sobra kung magpresyo ng swab test, agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan para masampolan at hindi pamarisan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page