top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Presyo ng bilihin, tataas ulit sa 2023

BULGAR
Dec 8, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 8, 2022


Hindi pa man pumapasok ang 2023, inabisuhan na ang publiko na posibleng salubungin ang bagong taon ng pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.


Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang naturang pagtaas ng halaga ay maaaring maganap sa unang linggo o pagtatapos ng Enero, kung saan may 50 produktong tumaas ang presyo nang hanggang 10%.


Kasama sa mga magtataas ng presyo ang mga sardinas, gatas, kape, tinapay, instant noodles, asin, toyo, suka, sabon at iba pang delata.


Paliwanag ng DTI, ang mga nabanggit na produkto ay hindi napabilang sa suggested retail price na kanilang inilabas noong Agosto ngayong taon.


Anila, hanggang 50 produkto lamang ang pinapayagan ng DTI na sabay-sabay na magtaas ng presyo para protektahan ang konsyumer dahil sa ganitong paraan, hindi rin magagawa ng mga manufacturers na magbawas ng produksyon o manggagawa.


Ilang araw bago magtapos ang taon, hamon pa rin para sa lahat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, kaya ang tanong, kumusta ang pagba-budget, kinakaya pa ba?


Marahil ay hindi na talaga mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung tutuusin, halos mga delata at noodles na lang ang pasok sa budget ng iba, kaya kung tataas na naman ang presyo ng mga ito, paano na?


Totoo nga na hindi pa man nakakapasok ang bagong taon ay may nakaambang nang problema. At isa ito sa mga dapat paghandaan sa parating na taon.


Gayunman, umaasa tayong umaaksyon ang gobyerno para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page