top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Presyo ng bigas mas tumaas kaysa bumaba

BULGAR
Sep 12, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 12, 2022


IMBES NA BUMABA, LALO PANG TUMATAAS ANG PRESYO PER KILO NG BIGAS—Dahil sa pagtaas ng halaga ng dolyar at pagbagsak ng halaga ng peso, at dahil dolyar ang ginagamit sa pagbili ng mga imported rice ay nagbabala ang mga importers ng bigas na posibleng tumaas ng mula P5 hanggang P8 ang presyo ng per kilo ng bigas sa Pilipinas.


Imbes na bumaba ay lalo pang tumataas ang presyo ng bigas dahil d'yan ay huwag nang umasa 'yung mga umaasa na matutupad pa ang promise ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na gagawin niyang P20 per kilo ng bigas.


◘◘◘


BUDGET NG OVP NI SARA NAKAKALULA SA LAKI, P2.3-B AT MAY P500-M CONFIDENTIAL FUND PA; BUDGET SA PABAHAY NG NHA ANG LIIT, P1.5-B LANG—Marami talaga ang nalulula sa laki ng budget ng Office of the Vice President ni VP Sara Duterte-Carpio na umabot sa higit P2.3 bilyon at ang P500 milyon dito ay para pa sa kuwestiyunableng confidential fund ng bise presidente.


Nakakalula talaga ang budget ni VP Sara kasi noong si Leni Robredo pa ang bise presidente, ang budget lang ng kanyang OVP ay P700 milyon at wala siyang confidential fund.


Ang nakakabuwisit pa sa isyung ito, ang budget ng pamahalaan sa pabahay ng mahihirap nating kababayan na pamamahalaan ng National Housing Authority ay higit P1.5 bilyon lang para sa 2023, mas malaki ang budget ni VP Sara sa OVP na P2.3-B.


◘◘◘


DAPAT ISAPUBLIKO NA NI P-BBM KUNG PABOR O HINDI SIYA SA POSTPONEMENT NG BGY & SK ELECTIONS—Halos isang buwan na lang ay umpisa na ng filing na ng candidacy sa October 6 hanggang October 16 ng mga kakakandidato sa halalang barangay na idaraos sa December 5, 2022 at habang todo-paghahanda ang Comelec para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ay patuloy namang gumagalaw ang mga kongresista at senador para ipagpaliban ang halalang pambarangay.


'Ika nga, malapit na ang halalang pambarangay, pero si P-BBM ay no comment pa rin kung pabor ba siya o hindi na ipagpaliban ang barangay at SK elections.


Dapat isapubliko ni P-BBM kung ano ang stand niya sa isyu kasi siya naman talaga ang masusunod para hindi "nangangapa sa dilim" ang mga re-electionists at aspirante sa barangay at SK elections kasi kapag sinabi ng pangulo na tuloy ang eleksyong pambarangay ay wala na talagang makakapigil dito, pero kapag sinabi niyang "no elections", may dahilan na ang mga kakandidato na itigil na nila ang paghahanda nila sa halalang pambarangay.


◘◘◘


INUTIL SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE, DAPAT SIBAKIN NI P-BBM—Dapat tanggalin na ni P-BBM ang mga inutil na opisyal ng Department of Agriculture kasi nilalagay sa malaking kahihiyan ang Pilipinas.


Mantakin n'yo, archipelagic country ang Pilipinas, na ang ibig sabihin ay nasa gitna ng dagat ang 'Pinas, tapos nag-i–import tayo ng galunggong at asin.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page