top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Presyo ng bigas, hindi masolusyunan… Hirit ng pamahalaan: kumain na lang ng kamote

  • BULGAR
  • Oct 27, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 27, 2022


DAPAT MAGTALAGA NA SI P-BBM NG DOH SECRETARY—Sa inilabas na data ng Department of Health kamakalawa ay 943 Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 at sa mga nagka-virus ay 32 ang namatay.


Ibig sabihin ay deadly pa rin ang COVID-19.


Sa isyung ito, dapat na talagang magtalaga si Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ng permanenteng kalihim ng DOH na mamumuno sa paglaban sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa bansa.


◘◘◘


IMBES GUMAWA NG PARAAN KUNG PAANO BABABA ANG PRESYO NG BIGAS, KAMOTE NA LANG ANG GUSTONG IPAKAIN SA MGA PINOY—Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, ayon sa gobyerno ay magprodyus o pag-ibayuhin na ang pagtatanim ng kamote bilang alternatibong pagkain ng mahihirap nating kababayan.


Hay naku, imbes na gumawa ng solusyon sa problema sa bigas, akalain mong ang gustong mangyari ng gobyerno kumain na lang ng kamote ang mga Pinoy.


◘◘◘


BAKA DUMATING ANG PANAHON NA LUGAW AT PAGDIDILDIL SA ASIN ANG PANG-ARAW-ARAW NA KAININ NG MAHIHIRAP NA PILIPINO—Dahil nalulugi na ang kanilang negosyo dahil sa patuloy na paghina ng halaga ng piso sa dolyar at sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, inihayag ng Canned Sardines Manufacturers Association of the Philippines (CSMAP) na maoobliga na silang magtaas ng P3 sa kada de-lata ng sardinas.


Nakupo, baka dahil sa mataas na presyo ng bigas at magmamahal pa ang presyo ng sardinas na pangkaraniwang ulam ng mahihirap nating kababayan, baka ang mangyari ay lugaw na lang at pagdidildil sa asin ang pang-araw-araw na kainan ng mga Pilipino.


◘◘◘


KUNG GUGUSTUHIN NG PAMAHALAAN AT MGA PULITIKO, PUWEDE NAMANG WALANG MAGUTOM NA PILIPINO—Sa totoo lang, puwede namang walang magutom na Pilipino kung gugustuhin ng pamahalaan, ng mga pulitiko.


'Yung confidential/intelligence funds at pork barrel ng mga pulitiko ay ipamigay lang na suporta sa mga magsasaka at monthly ayuda sa mga maralitang Pinoy ay tiyak na kada anihan ay maraming pagkaing maipu-prodyus ang mga magsasaka at dahil may perang ayudang pambili ng makakain ang mahihirap na Pilipino, tiyak na wala nang magugutom na mamamayan sa 'Pinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page