top of page
Search
BULGAR

Presidente ng SK, nahaharap sa impeachment matapos ang isyu ng martial law

ni Angela Fernando @World News | Dec. 4, 2024



Photo: South Korean President Yoon Suk Yeol sa isang press briefing sa presidential office sa Seoul, South Korea. South Korea Unification Ministry via AP / South Korea Presidential Office


Nanawagan ang mga mambabatas ng South Korea (SK) nitong Miyerkules na magbitiw na sa pwesto si Pres. Yoon Suk Yeol o harapin ang impeachment matapos ang biglaang deklarasyon ng martial law na binawi rin ilang oras lamang ang nakalipas.


Ang nasabing insidente ay nagdulot ng matinding krisis sa politika ng ikaapat na pinakamalaking ekonomiya sa Asya.


Nagpasiklab ito ng tensyon sa pagitan ng pangulo at ng parliament, na agad na tumanggi sa kanyang pagtatangkang ipagbawal ang aktibidad sa pulitika at supilin ang malayang pamamahayag—nagdulot pa ito ng tensyon nang sapilitang pumasok ang mga armadong sundalo sa gusali ng National Assembly sa Seoul.


Ayon sa Democratic Party, anim na oposisyong partido sa South Korea ang nagkasundo na magsumite ng panukalang impeachment laban kay Yoon.


Nakatakda itong pagbotohan sa darating na Biyernes o Sabado.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page