top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pregnancy kit, lumabas sa IG... Herlene, nagsalita na sa kumalat na buntis kay Rob

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2023
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 20, 2023




Maingay ngayon ang pangalan nina Rob Gomez at Herlene Budol matapos mai-post sa Instagram ng aktor ang palitan nila ng mensahe at naging pulutan na nga ng mga Marites ang isyu sa bawat sulok ng internet.

 

Matatandaang sa Instagram post gamit ang opisyal na account ng aktor ay may nagbahagi ng palitan nila ng mensahe ng Magandang Dilag co-star na si Herlene at ang convo nila ni Bianca Manalo.


Bago pa mapunta sa kung saan ang mga hula ng madla, nag-post na si Rob sa kanyang opisyal na Facebook account na hindi niya hawak ang kanyang phone hanggang ngayon.


Bukod kay Rob, pinabulaanan na rin ni Herlene ang mga tsikang buntis siya matapos kumalat sa IG ng aktor ang picture ng pregnancy kit na kasabay ng mga screenshot ng convo nila. Sabi ni Herlene ay nagkaroon na siya dati ng parehas na isyu noong siya'y host pa lang sa 'Wowowin'. Naulit ito sa show niyang Magandang Dilag at ngayon nga ay sa Black Rider naman.


Pero sa kumalat na lihim na relasyon nila ni Rob, wala pang komentong inilalabas ang beauty queen-turned TV actress.


Award (read: talak) naman ang inabot mula sa mga netizens nina Rob at Herlene dahil dumagdag pa raw ang mga ito sa listahan ng mga hindi na dapat mabigyan ng projects dahil sa kanilang nega image.


Samantala, ang pinaghihinalaang nag-post at naglabas sa Instagram ni Rob ng mga cheating convo niya kina Herlene Budol at Bianca Manalo ay ang dating karelasyon at ina ng anak nito na si Dra. Shaila Rebortera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page