PRCI, binulabog ang illegal bookies
- BULGAR

- Jan 25, 2021
- 2 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | January 25, 2021
Tinanggal ng Philippine Racing Club Inc.(PRCI) ang ugat ng katiwalian ng Daily Double kung kaya maraming horse owner ang hindi tumatakbo ang kabayo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Nagdurusa man ang karerahan dahil sa pag-aalis ng Daily Double kung saan nabawasan ang kita ay kumpiyansa naman ang pamunuan na unti –unting babalik sa normal ang lahat kapag nasanay na ang bayang karerista sa kasalukuyan lagay ng SAP na nahaharap sa malaking laban kontra sa illegal bookies.
Matatandaan na nag-eksperimento ang SAP sa pakikipagtulungan ng Game and Amusement Board (GAB) para labanan ang sindikato ng bookies sa loob ng karerahan.
Sa ngayon tanging ang PRCI ang kumakalaban sa sindikato ng illegal bookies sa loob ng SAP sa pamamagitan ng pag-aalis ng daily double sa karera. Hindi na makaporma ang sindikato ng illegal bookies sa loob ng karerahan na minamani-obra ng isang gambling lord.
Binabati ko ang pamunuan ng Santa Ana sa kanilang adhikaing labanan ang illegal bookies at maihatid ang tamang serbisyo sa bayang karerista.
Resulta ng karera sa Santa Ana Park Sabado,Enero 23.
RACE 1 – 1 OBJECT (10) Finish: 10/8/11/3 ₱5.00 WIN (10) ₱31.50; ₱5.00 FC (10/8) ₱203.50; ₱2.00 TRI (10/8/11) ₱234.00; ₱2.00 QRT (10/8/11/3) ₱1,000.40
RACE 2 – CELEBRITY (5) Finish: 5/9/8/4 ₱5.00 WIN (5) ₱10.50; ₱5.00 FC (5/9) ₱45.00; ₱2.00 TRI (5/9/8) ₱48.40; ₱2.00 QRT (5/9/8/4) ₱755.40
RACE 3 – CONCERT KING (5) Finish: 5/3/2/4; ₱5.00 WIN (5) ₱55.50; ₱5.00 FC (5/3) ₱899.00 ₱2.00 TRI (5/3/2) ₱1,031.00; ₱2.00 QRT (Carry Over) ₱5,499.09; ₱2.00 DD+1 (10/5/5) ₱1,513.00
RACE 4 – BONIFACIO (7) Finish: 7/3/5/2; ₱5.00 WIN (7) ₱14.00; ₱5.00 FC (7/3) ₱62.00; ₱2.00 TRI (7/3/5) ₱87.00 ₱2.00 QRT (7/3/5/2) ₱157.80; ₱2.00 DD+1 (5/5/7) ₱2,271.00
RACE 5 – NARRATIVE (8) Finish: 8/1/2/5; ₱5.00 WIN (8) ₱14.50; ₱5.00 FC (8/1) ₱16.00; ₱2.00 TRI (8/1/2) ₱44.60; ₱2.00 QRT (8/1/2/5) ₱77.00; ₱2.00 DD+1 (5/7/8) ₱1,266.00;
RACE 6 –ELECTRIC TRUTH (3) Finish: 3/1/4/5; ₱5.00 WIN (3) ₱7.00; ₱5.00 FC (3/1) ₱10.50; ₱2.00 TRI (3/1/4) ₱8.80; ₱2.00 QRT (3/1/4/5) ₱70.60; ₱2.00 DD+1 (7/8/3) ₱31.80
RACE 7 –TEN TEN FORTY (7) Finish: 7/1/4/8; ₱5.00 WIN (7) ₱13.00; ₱5.00 FC (7/1) ₱34.00; ₱2.00 TRI (7/1/4) ₱22.80; ₱2.00 QRT (7/1/4/8) ₱157.80; ₱2.00 DD+1 (8/3/7) ₱37.20; ₱2.00 PK4 (7/8/3/7) (4 of 4) ₱137.00; ₱2.00 PK5 (5/7/8/3/7 (5 of 5) ₱3,555.40; ₱2.00 PK6 (5/5/7/8/3/7) (6 of 6) ₱20,812.80 ₱2.00 WTA (10/5/5/7/8/3/7) (7 of 7) ₱206,348.60




Comments