top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Prayoridad ang mental health ng estudyante at mga guro

BULGAR
Jul 19, 2022
2 min read

ni Kuya Win Gatchalian - @Win Tayong Lahat | July 19, 2022


Bilang paghahanda sa paparating na 19th Congress, naghain ang inyong lingkod ng mga priority bills na nakatuon sa pagsasakatuparan ng kalidad ng edukasyon sa bansa.


Nangunguna sa ating listahan ang pagsasabatas ng pagtaas ng sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan. Ito ay upang maitaas natin ang kanilang moral at itaguyod ang dignidad ng kanilang hanay. Sa ating panukalang Teacher Salary Increase Act, itataas ang antas ang salary grade ng mga Teacher I, II at III.


Pumapangalawa naman sa ating prayoridad bilang Committee chairman on Basic Education, Arts, and Culture ang panukalang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act na tutugon sa pagbangon ng krisis sa edukasyon at tutuon sa kakayahan ng mga mag-aaral sa basic subjects na tulad ng Language, Mathematics at Science.


Isinama rin natin sa ating mga prayoridad sa 19th Congress ang pagsusuri sa implementasyon ng K to 12 Law at tukuyin ang mga isyu at hamon, pati na rin ang mga posibleng rekomendasyon para mabigyan ng solusyon ang mga ito na bumabalakid sa maayos na pagpapatupad ng tunay na intensyon ng batas.


Ang isa pang education priority bill — ang 21st Century School Boards Act — ay magpapaigting sa kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at mapalawak ang paggamit ng Special Education Fund o SEF.


Hindi nawawala sa prayoridad ng inyong lingkod ang panukala na magtataguyod ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act. Layon nitong magpatupad ng mga programa na tututok sa kalusugang mental ng mag-aaral at magtatalaga rin ng mga mental health professionals sa mga paaralan at guidance associates sa Department of Education (DepEd).


Ilan lamang ito sa marami nating plano at adhikain upang lalong mapabuti ang kabuuang sektor ng edukasyon sa bansa. Sa pangalawang termino ng inyong lingkod sa Senado, umaasa tayo sa mas produktibo at matagumpay na pamumuno bilang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page