Prayers para sa 2022 elections — CBCP
- BULGAR

- Nov 26, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 26, 2021

Nakatakdang magsagawa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng isang panalangin para sa 2022 elections sa Nobyembre 28, 2021.
Sa isang circular na inilabas nitong Huwebes, ayon kay CBCP President Archbishop Romulo Valles, ang panalangin ay ilulunsad sa unang Linggo ng Advent.
Batay pa sa circular, sinabi ni Valles na ang “Prayer for 2022 Elections” ay inihanda ni Archbishop Socrates B. Villegas at ito ay in-adopt mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting.
Nakapokus naman ang naturang panalangin sa 16 values na mababasa sa preamble ng Constitution.
Gayunman, inirekomenda ng Episcopal Commission on Liturgy na dapat na manalangin ang mga parokya ng Oratio Imperata for Protection laban sa COVID-19 bago pa ang Misa, dahil sa ang mga parokya ay marami na ring panalangin na isinasagawa kapag Sunday Masses.
Ang Prayer for the 2022 National and Local Elections ay uusalin tuwing una at ikatlong Linggo ng buwan, at ang panalangin para sa Synod on Synodality ay gagawin naman tuwing ikalawa at ikaapat na Linggo ng buwan.
“It is suggested that it be said after the post-communion prayer of the Mass,” sabi ni Valles.
Una nang hiniling ng PPCRV sa CBCP na iendorso ang kanilang “Prayer Power Campaign,” upang himukin ang publiko hinggil sa tinatawag na “to collectively pray for a peaceful, credible, and transparent 2022 National and Local Elections.”








Comments