Prangkahan na 'to, Julia… YASSI, AMINADONG 'DI MAHIRAP MAHALIN SI COCO
- BULGAR

- Oct 8, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 8, 2020

May ipinagagawang bahay si Yassi Pressman. Ipinakita ng Ang Probinsyano actress ang kino-construct na bago niyang house sa kanyang Instagram account.
Ayon kay Yassi, fruit of hard work niya ito. Besides, investment na rin daw dahil habang patagal nang patagal ay tumataas ang presyo ng lupa't bahay.
Sa ngayon, masaya si Yassi sa itinatakbo ng kanyang showbiz career.
Hinggil sa kanila ng kanyang partner sa Ang Probinsyano na si Coco Martin, dedma lang si Yassi sa kung anong isyu sa kanila.
Sey niya, ginagawa lang niya ang kanyang trabaho. Pero, aminado siyang hindi naman mahirap mahalin ang isang Coco Martin dahil napakabuting tao raw ng aktor.





Comments