top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pramis ni VP Sara, P2.3B budget susuklian ng magandang serbisyo, abangan!

BULGAR
Nov 16, 2022
1 min read

@Editorial | November 16, 2022


Lusot na ang P2.3 bilyong hinihinging budget ng opisina ni Vice-President Sara Duterte para sa taong 2023.


Kabilang na ang kontrobersyal na P500 milyong confidential funds.


Ayon sa VP, nagpapakita lamang ito ng pagtitiwala ng mga mambabatas sa Office of the Vice-President (OVP).


Bilang kapalit, susuklian umano niya ito at ng kanyang opisina ng maayos na paglilingkod sa publiko.


Umaasa tayong ang mabilis na pagpasa sa kanilang budget ay magpapalakas din sa kanilang determinasyon na matiyak na pag-iibayuhin din ang pagbibigay-serbisyo at pagpapaabot ng mga programa sa mga nangangailangan.


Napag-alamang ang OVP 2023 budget ay umakyat sa 300 percent na mahigit pa kumpara noong 2022 budget na nasa P702 milyon lamang.


Una nang kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang P500-million confidential funds ng tanggapan ni VP Sara at ang paggaya din umano ng tanggapan nito sa iba pang programa ng ibang departamento ng gobyerno.


Ngayong napagbigyan na ang kanilang hirit na malaking pondo, sa susunod na taon, ang publiko naman ang may pagkakataon at karapatan na makita at maramdaman, kung saan mapupunta ang nasabing pondo na galing sa bulsa ng mamamayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page