top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pramis ni Sen. Robin na magre-resign 'pag 'di nakalusot ang Chacha, 'di naman ginawa!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 1, 2023


HINDI TANGA ANG MGA FOREIGN INVESTORS PARA MAGNEGOSYO SA ‘PINAS NA PINAGHAHARIAN NG MGA TRAPONG TAX EVADER, PLUNDERER AT KURAKOT—Nag-post sa social media si former Sen. Ping Lacson tungkol sa data ng Credit Suisse Group na nakabase sa Switzerland na binabaha raw ngayon ng foreign investors ang Singapore, Japan, South Korea at iba pang bansa sa Asya, pero wala sa Pilipinas.


Sa totoo lang, hindi naman tanga ang mga foreign investors para magtayo ng negosyo sa Pilipinas na ngayon ay pinaghaharian ng mga traditional politicians (trapo) tax evader, plunderer at kurakot, boom!


◘◘◘


BILYUN-BILYONG PISONG MAHARLIKA INVESTMENT FUND KASI ANG NASA UTAK NG PRESIDENTE, MGA SEN. AT CONG. KAYA 3 BATAS LANG NAIPASA—Sa halos isang taon sa puwesto, tatlong batas lang ang naipasa ng Senado at Kongreso na inaprub ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM), at ang mga ito ay ang December 5, 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) postponement, SIM Registration Act at Armed Forces of the Philippines (AFP) officials fixed term.


Isa lang ang nakikita nating dahilan kaya kakarampot na panukalang-batas lang ang naipasa ng Senado at Kongreso na inaprubahan ng Malacañang, kasi ang nasa utak ng mga senador at kongresista at maging ng Pangulo ay ang Maharlika Investment Fund (MIF), kung saan ang bilyun-bilyong pisong ipangpopondo rito ay kukunin sa pera ng bayan, tsk!


◘◘◘


SANA ‘DI LANG SA PAGIGING OPISYAL NG PDP-LABAN NAG-RESIGN SI ROBIN, SANA NAG-RESIGN NA RIN SIYA SA PAGKA-SENADOR—Nag-resign si Sen. Robin Padilla bilang executive vice president ng kinaaaniban niyang partidong PDP-Laban.


Sana, pati sa pagiging senador ay nag-resign na siya, kasi ‘yan naman ang ipinangako niya sa publiko noon, na kapag wala raw nakuhang suporta mula sa mga kapwa niya senador ang isinusulong niyang Charter Change (Chacha) ay magre-resign siya sa pagka-senador. At ngayong tablado na sa Senado ang nais niyang mabago ang Konstitusyon, hindi naman siya nag-resign, sa halip, sa pagiging opisyal lang ng PDP-Laban siya nag-resign, tsk!


◘◘◘


ANG CHACHA PALA NI PADILLA AY PANGKAPIT-TUKO SA PUWESTO NG PRESIDENTE—Inamin ni Sen. Padilla na kung nakalusot lang daw ang isinusulong niyang Chacha, ipapasok niya sa probisyon nito na nagbibigay pahintulot sa Presidente na muling kumandidato sa pagka-pangulo.


Ang sinabing ‘yan ni Padilla ay nagpapatunay na inuunggoy lang niya ang publiko, na kaya raw gusto niyang mabago ang Konstitusyon ay para mapalitan ang mga nakasaad sa Saligang Batas tungkol sa mga economic provisions ng 1987 Constitution, ‘yun pala, ang tunay na pakay niya ay alisan ng term limit ang Presidente para puwede itong magkapit-tuko sa posisyon, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page